“Ariella Arida naniniwalang muling masusugkit ng Pilipinas ang Miss Universe Crown”

Simula na din ng bayanihan ng Pinoy pageant fans para kay Catriona Gray.

Tiwala si 2013 Miss Universe Third-runner up na si Ariella Arida na muling masusungkit ng Pilipinas ang korona ng Miss Universe.

Kasunod ito ng muling pagiingay ng Pinoy pageant fans sa social media para suportahan si 2018 Miss Universe Philippines Catriona Gray sa nalalalapit na laban nito sa darating na Disyembre 17.

“She’s ready to win it. Ang advice ko lang enjoy niya ‘yung single journey, especially when she gets there in Bangkok, kasi minsan baka masyado ma-excite,” bungad ni Ariella sa naging panayam.

Dito, nagbigay din ng dagdag na tips si Ariella kay para kay Catriona. “Ang secret diyan, ma-maintain mo ‘yung energy mo from the start till the end. Kung gaano ka ka-strong sa simula, kailangan sa dulo, mag-stand out ka pa din,” aniya.

Naniniwala din ang former Miss Universe candidate na malakas ang magiging laban ni Catriona sa upcoming Miss U pageant.

“I know naman she can do it. With all the things she’s doing right now, with all the photo shoots, the events, kailangan ma-maintain niya ‘yung aura, ‘yung energy that she has right now,” sabi pa niya.

Para kay Ariella, mas kailangan din na tutukan ngayon ni Catriona ang kanyang emosyon bilang bahagi ng paghahanda sa pageant.

“Mas concerned ako doon sa more on emotional, more on mental, kung paano mo i-ready ang sarili mo, more on the inside part. Kasi ‘yung outside, kampante na ako, kaya na niya lahat—pasarela, Q and A. Mas gusto ko ‘yung sa loob, sa loob niya, kung ano ang iniisip niya. The more relaxed, the more na nag-eenjoy siya. I think mas gusto din ng organization ‘yun,” pahayag pa ni Ariella.