HomePhilippine News Today

“Baron Geisler, handa na nga ba mag balik showbiz?”

Hiling din ni Baron Geisler ang tuloy-tuloy na pagbabago ng sarili.

Looking good ang aktor na si Baron Geisler sa naganap na red carpet premiere ng pelikulang Alpha, Right to Kill ng premyadong direktor na si Brillante Mendoza.

Isa si Baron sa mga bida ng pelikula, kaya labis ang kanyang naging pasasalamat para sa direktor.

[embedded content]

“I believed in his vision I believed in his film making and also I’m grateful na halos lahat ng movies niya sinasali niya ako,” ani aktor sa panayam ng PUSH at ABS-CBN news.

Dito, looking forward din ang aktor sa kanyang pagbabalik showbiz matapos sumailalim sa rehab program dahil sa kanyang pagkakalulong sa alcohol.

“I’m praying, sana makabalik sa Star Magic. Siguro sa buong stay ko sa rehab isa ‘yun sa halos pinagdadasal ko araw-araw,” sabi pa niya.

Kuwento pa ng aktor, bago ang red carpet premiere, nakipag-kuwentuhan na din siya sa Star Magic Head na si Johnny Manahan.

“I feel good. Actually, I just came from ABS-CBN. I visited Star Magic, I reconnected with them and I really had a good talk with Mr. M (Johnny Manahan), my mentor, my godfather in our industry,” aniya.

Ayon kay Baron, umaasa siya na magiging positbo pa din ang pagtanggap sa kanya ng mga tao sa kabila ng pinagdaanan.

“Wala po akong ipinapangako (sa ibang tao), pinapangako ko po sa sarili ko to keep working on my program, my structure, and sustain sobriety. And I’m praying to sustain my work, my job, and my business,” pahayag pa niya.

Mapapanuod ang Alpha, Right to Kill simula January 16.