“EXCLUSIVE: Mara Lopez, nagpapasalamat sa paghigpit ng ina sa kanya”

Nagpapasalamat si Mara Lopez sa kanyang ina na tinuruan siya mag-ipon at maging praktikal.

Sa interbyu ng PUSH sa aktres na si Mara Lopez ay ipinagmalaki niya ang pagiging sobrang praktikal niya sa buhay.

“Sobra akong practical na tao kasi yon ang training sa akin ni mama (Ma. Isabel Lopez), eh, kasi sobrang practical niya rin. Pero mas na-develop yung pagiging practical ko when I was old enough, like the last four years,” simulang pag-amin ni Mara.

Patuloy ng dalaga, “When I was younger hindi ako practical. Mahilig akong mag-shopping ng damit, ganun. And then, kami ng mom ko, we’re super frugal, like even when we travel to Europe, to the States talagang may baon kaming pagkain. Nagluluto kami sa hotel, ganung level. Talagang we’re really frugal, I was brought up like that.”

Pero nakatikim din daw maging spoiled sa tatay niya.

“Yung dad ko, sa Japanese side ini-spoil nila ako. Si mom kasi comes from a poor family kaya yung value niya for money is different to the point na ever since I started making money, kasi I started in ABS-CBN 11 years old sa Ang TV, she taught me na kailangan pag may gusto ako, pag-iipunan ko,” pag-amin niya.

Lahat ng mga kailangan niya including gadgets ay siya rin daw ang bumibili.

“First cellphone ko ako ang bumili. First aso ko ay galing sa TF ko sa Wansapanataym. Lahat ng gusto ko kailangan kong bilhin with my own money, ganun niya ako tin-rain (sinanay).

“Hindi ako humihingi sa kanya kasi hindi niya rin ako bibigyan. ‘Gusto mo yan, pag-ipunan mo.’ Pero pag big investment naman, I really consult her. So lately, we talk about everything.

“Basta yung first cellphone, first laptop, first car, sariling pera ko ang ipinambili ko. Kung nagpautang man siya sa akin, super liit lang, tapos talagang bilang. Hindi niya ako papautangin kung wala akong ibibigay na postdated checks sa kanya,” natatawa pa niyang kuwento.

Pagdating naman daw sa tuition fee sa school ay ang mommy niya ang nagbabayad.

“Siyempre, sagot niya yung tuition fee, pero yung baon, very minimal lang talaga.”

Magkaganun man, ipinagpapasalamat ni Mara na naging ganun ang pagpapalaki sa kanya ng ina.

“When I was older na, nakita ko yung value nung discipline na yon ni mama. Because I learned how to save money and when I travel talagang sariling ipon. Thankful ako na ganun yung tinuro niya sa akin,” huling pahayag ng dalaga sa PUSH