HomePhilippine News Today

“Marc Pingris, bumisita sa palengke na dating pinagta-trabahuhan”

Bukod sa pamimigay ng pamasko sa probinsya, binisita rin ng mag-asawang PBA (Philippine Basketball Association) player na si Marc Pingis at dating aktres na si Danica Sotto ang isang palengke sa Pangasinan. Ang naturang palengke ay ang dating pinagta-trabahuhan ni Marc bilang isang vendor.

Sa post ng official Facebook page ni Marc, ipinakilala niya ang dati niyang “boss,” nitong Miyerkules, January 9. Sa caption sinabi ng baketbolista, “Ang dati kong boss. Nagtrabaho ako kay Nanay Tessie sa palengke nung bata pa ako.”

Unang ikinuwento ng PBA player ang dating buhay bilang market vendor sa isang episode ng Rated K noong 2014. Ayon kay Marc, bata pa lang ay nagsimula na siyang magtinda sa palengke ng mga prutas at ice cream.

Panuorin ang episode dito:

[embedded content]

Sa bayan ng Pozorrubio, Pangasinan din nagsalubong ng Pasko at Bagong Taon ang pamilya ni Marc, kung saan ay namigay sila ng mga pamasko sa mga naninirahan doon. “Tapos na ang Pasko pero tuloy pa din ang aming CarolBlessing. We were not able to do this last year that’s why this year, we are very thankful to be here. Thank you Lord,” sabi sa caption ni Danica noong December 30, 2018.

Bumuhos ang papuri ng mga netizen sa mga post na ito nina Marc at Danica sa kani-kanilang mga social media accounts.