HomePhilippine News Today

“McCoy de Leon on his relationship with Elisse Joson: ‘On and off kami noon’”

Hindi na din napigilang maluha ng isang loyal fan ng McLisse dahil sa pag-amin ng kasalukuyang estado ng relasyon nina McCoy De Leon at Elisse Joson.

Muling nilinaw ng love team na McLisse o McCoy De Leon at Elisse Joson, ang tunay na estado ng relasyon nila noon. Sa episode ng Magandang Buhay noong January 10, diretsong inamin nina McCoy at Elisse na “on and off” ang kanilang relasyon noon.

“Sige na eto na, on and off kami noon. Ayan sinabi ko,” pahayag ni McCoy, na agad sinagutan ni Elisse ng, “E yun naman talaga ah, akala ko kasi ako lang.” 

Ayon pa kay Elisse, naging mahirap para sa kanila ang desisyong maghiwalay dahil iniisip nila ang magiging epekto nito sa kanilang mga fans. “Yun talaga ang una naming iniisip, kasi siyempre sayang lahat ng nasimulan. Siyempre yung mga sumusuporta sa amin, ayaw din namin silang maging malungkot. Pero siyempre dadating yung panahon na iisipin mo na lang na kung mahal ka nila, maiintidihan nila.

“Sabi ko na lang, kung anong mas makakabuti, hindi lang sa work wise, kundi sa amin personal, bilang individuals,” pahayag ni Elisse para sa mga McLissians. 

EXCLUSIVE: McCoy de Leon, inaming wala na silang komunikasyon ni Elisse Joson

Paheras ang sentimento ni McCoy tungkol sa isyu. Para sa kanya, malaki ang kanyang utang na loob sa mga fans, kaya pinili nilang maging totoo sa kanila. “Di namin (McLisse) pinepeke din e. Ayaw naming sabihin na, ‘Porket may movie kami magpapaka sweet kami,’ nandun pa rin kami, kung ano ang pagkakakilala nila sa amin bilang McLisse,” paliwanag ni McCoy.

EXCLUSIVE: Elisse Joson on going solo: ‘I think it’s for our own growth’

Sa parehas na episode, naging guest din si Tita Pearl, isang loyal fan ng McLisse. Hindi nito napigilang maluha habang inaalala ang mga pinagdaanan ng mga idolo. “Alam ko naman na may ups and downs. Pero kung talagang sinusuportahan mo sila ng buong puso. Anjan ka pa rin sa kanila,” kwento ni Pearl habang naluluha.

Pangako ng loyal fan, magpapatuloy ang kanyang suporta sa dalawa, lalo na sa paparating nilang pelikula na Sakaling Maging Tayo.

Agad nagpasalamat sina McCoy at Elisse sa mga nananatiling taga-suporta nila sa kabila ng pinagdaanan. “Kaya masasabi namin ni Elisse na sila yung nagiging lakas namin. Lahat ng mga nagtataas ng banner, nagpapa-trending, lahat ng sumusuporta. 

“Kaya siguro may project pa rin kami ngayon. Hindi na nga dahil sa aming dalawa e, dahil na po sa kanilang lahat,” sabi ni McCoy.

🙂

A post shared by Mccoy De Leon (@hashtag_mccoydl) on Dec 24, 2018 at 5:43am PST

READ: McCoy De Leon sa naging relasyon kay Elisse Joson: “Parang naging kami na rin”

Mapapanuod ang Sakaling Maging Tayo simula January 16. Ito ang unang pelikula ng tambalang McLisse bilang bida na sinulat at dinirek ni JP Habac, ang gumawa ng I’m Drunk I Love You.